Tuesday, November 12, 2013

Ang nakakatakot kong karanasan sa luma naming bahay sa Muñoz


I would like to share to all you my spooky experience since I was a kid. Bata palang ako ay nakakakita na ako ng mga bagay na hindi nakikita ng iba, tulad ng multo at madalas pinararamdaman age of 3. Namana ko ang ganitong kakayahan to my late grandfather.
Ang una at hindi ko makakalimutang karanasan ay nung nasa Grade one palang ako nun sa isang paaralan ng Muñoz. Panghapon ang schedule ko kaya minsan ay late na akong gumigising sa umaga at mahaba pa ang oras upang kumain o kainin ang agahan at tanghalian bago pumasok sa paaralan.

Thursday nun ng magising ako isang umaga at napagtanto kong ako nalang pala ang naiwan sa bahay. Madalas mangyari yun kasi ang mga ate at kuya ko ay pumasok na sa kani-kanilang trabaho o paaralan. At gayun din ang kanilang magulang. (Sila ang pamilyang kumupkop sa akin habang nag-aaral ako sa elementarya, mga kamag-anak.)

Routine ko na ang ganoong gawain tuwing may pasok. Lunes hanggang biyernes.
7:15a.m, bumaba na ako sa second floor upang maligo na at tignan ang pagkaing agahang nakahanda na para sa akin. Napakatahimik ng araw na iyon, parang may kakaiba, kakaiba talaga. Kaya nag-ayos na ako ng sarili at naghanda para sa eskwela.

Around 9:00 - 10:30a.m ay ugali ko nang buksan ang tv at manood ng paborito kong mga cartoons. Dahil exact 11:00a.m pa darating ang service ko, ay alam ko na ang mga dapat kong gawin. Sa panonood ng tv ay may narinig akong mga yabag ng mga paa papaakyat ng hagdan. Sa tuwa ko ay baka dumating na si lola kaya dali at minabuti ko muna itong tignan sa pagkakatayo ko sa hagdan sa itaas. Sinisilip ko pa nga at tinatanaw ang hagdan kung may umaakyat nga talaga. Nakapa weird ng mga sandaling iyon dahil totoong may umaakyat sa hagdan at dinig ko ngunit wala namang tao. Sa pagtataka ay minabuti ko nalang bumalik sa sala upang ibaling nalang ang atensyon ko sa panood ng tv.

Sa pangalawang pagkakataon ay naulit muli ang tunog na iyon. Sa sabik ay inakala kong sa pagkakataong ito’y service ko na ito kaya dali kong pinatay ang tv at kinuha na aking bag upang hintayin siya sa taas. Laking pagtataka ay batid kong unti-unting papalapit at papalakas ang mga yabag sa hagdan papunta sa kinatatayuan ko sa dulo ng hagdan. Matagal akong natayo sa pwestong iyon ngunit wala naman talaga akong nakikitang umaakyat. Sa takot at napabalik ako sa sala at laking gulat at pagtataka ko na bukas na ulit ang tv na aking kakapatay palang. Talagang nanginig sa takot ang tuhod ko noon kaya pinilit ko paring bunutin ang saksakan ng tv sabay takbo ng mabilis pababa ng hagdan.

Hindi na ako nagdalawang isip na maghintay sa loob ng bahay, hinintay ko nalang ang service ko sa labas. Laking pagtataka niya nga kong bakit nasa labas ako naghintay nung araw na iyon pagkarating niya. Hindi na ako kumibo. Ang nakakakilabot na karanasang iyong ay hindi pa pala natatapos sa eskwelahan nung araw na iyon.

Break time namin nun bandang 3:00p.m after the 3:00 prayer. We are advised to eat our snacks, to drink, and to pee, etc. Dahil naiihi na ako, nagtaas ako ng kamay at nagpaalam kay teacher para umihi. Sa pagmamadali at takot na mag-isa sa C.R ay nagmadali na akong umihi. Ngunit laking pagtataka ko na may bigla nalang humangin sa aking likuran at naramdaman ang malamig na hangin. Kalaunay ang pinto at bintana sa C.R ay patuloy na sa pagsara-bukas ng malakas at papalakas , dala ng takot ay napasigaw ako at hindi na tinapos ang aking pag-ihi at dali ng lumabas. Tumakbo. Takot at pinagpapawisan akong bumalik sa upuan, natulala sa nasaksihang kababalaghan. Alam kong hindi na pangkaraniwan ang mga pangyayaring iyon. Nilagnat ako kinabihan at hindi na nakapasok kinaumagahan, biyernes.

Hindi lang yun ang una, nasundan at nasundan pa ito. Naikwento ko ang mga karanasang iyon sa aking ama. At agad niya namang naikwento rin sa akin ang mga karanasan ng ibang tao sa bahay na iyon sa Muñoz.

Ngayon ay patuloy parin ang mga pagpapakita at pangangambala ng mga espirito sa bahay na iyon. Voice copier, minsan pa nga kawangis pa na para bang pag-aari rin nila ang bahay. Nakakakilabot ang lugar na iyon, napag-alaman ko naring dating tapunan ng mga salvage victims ang lugar na iyon bago pa maitayo ang naturang bahay mula sa aking mga kamag-anak.

No comments:

Post a Comment